Martes, Hunyo 17, 2014

One Way Generation

ONE WAY GENERATION: https://www.facebook.com/photo.php?v=886990941317759&set=vb.100000205842601&type=2&theater


".. One way Jesus, You're the only one that I could live for."  Eto ay mga kataga na galing sa kanta ng Hillsong United na One way. Noong nakaraang Biyernes, Hunyo 15, 2014 ay ginanap sa Araneta Coliseum ang pagtugtug ng Hillsong United. Habang sumasabay sa kanilang mga kanta ay bumabalik sa'kin ang ala-ala ng pagiging youth ko noon sa aming simbahan. Mga panahon na ang pag-tugtug sa church ang priority ko sa buhay. Pero bago ko balikan ang ala-ala ng kahapon akin munang ibabahagi sainyo kung bakit One Way Generation ang titulo ng aking blog post.

One Way Generation ang tawag ko sa kapwa ko young adult Christians at maging sa ibang youth ngayon, dahil ang kantang One way ay ang matatawag na anthem ng aking henerasyon, eto din ang kantang nag pakilala sa tipo ng pag wo-worship ng Hillsong United. Noong bata pa ako, ang madalas na tug-tugin sa aming simbahan ay mga kanta nila Don Moen, Darlene Zschech, at iba pang christian artist na medyo malayo sa tugtugan ng hillsong united. Ngunit nung nakilala ang kantang One Way, nag simula ang pag babago sa landscape ng praise and worship. Naaalala ko noon na maging ang mga hindi kristyano kong kaybigan ay alam ang kantang One Way. Nagkaroon ang aking henerasyon ng kantang makabago na nag papahayag ng salita ng Diyos. Kantang mapapaindak ka katulad ng mga secular music ngunit ang mensahe nito ay pag-pupuri pa din sa ating Diyos. Ang ginamit na chords sa One way ay power chords, eto ay mga chords na kadalasan ding ginagamit sa rock music. Nakakatawang isipin na ang rock music na kadalasang sinasabing musika ng demonyo, ay nagawa ng Hillsong United na gamitin upang ibahagi ang salita ng Diyos. Dahil sa kantang ito, nag simula din mag bago ang landscape ng praise and worship ng mga kristyano sa buong mundo. Madami ang nag hangad na mag gitara, madami na din ang mga guitarist na gumagamit ng distortion, overdrive, delay, at iba pang guitar effects. Hanggang ngayon patuloy pa din ginamit ang Hillsong United upang ibahagi ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng musika.

Ang bagay na nag lagay sa aking isipan ng katagang One Way Generation ay noong patapos na ang pagtugtug ng Hillsong United, ngunit pilit pa din sumisigaw ang mga tao ng isa pang kanta. AT ANG KANTANG SINISIGAW NG KARAMIHAN AY WALANG IBA KUNDI ONE WAY. Sabi nga ni Joel Houston hindi nya akalain na kakatahin pa nila ang kantang ito dahil halos 10 taon na din ang lumipas mula ng unang kinanta ang One way. Sampung taon man mula nung unang tinugtugtug ang One Way ay kabisado pa din ng bawat isang na nasa Araneta ang bawat salita sa kantang ito, at dun ko nasabi na kami nga ang One Way Generation. Sana lang ay magawa namin ang sinasabi na "one way Jesus, you're the only one that I could live for."

ONE WAY GENERATION: https://www.facebook.com/photo.php?v=886990941317759&set=vb.100000205842601&type=2&theater

Linggo, Disyembre 15, 2013

Pag sunod sa yapak

Pag sunod sa yapak
by: E.j. Valguna

Bilang isang tao at bilang isang kristyano marami tayong nararanasang pag-subok. Pag subok sa ating pamilya, pag subok sa ating trabaho, at pera.Kaya ganun nalamang na tuwing nangangailangan tayo ng pag-asa ay agad tayong nag dadasal at lumalapit sa ating tagapaglitas na si Hesus. Ngunit kapag tayo ay nasa panahon ng kasiyahan tila ba nakakalitmutan natin na merong isang Diyos na bumaba galing sa kaharian ng langit upang tayo ay ilagtas, nag anyong tao, at inalay ang kanyang buhay upang bigyan tayo ng buhay mula sa ating pag kakasala. Ganto kadalasan ang Kristyano sa panahon ngayon. Tila ba may Diyos sa panahon ng problema ngunit sasabay sa ikot ng mundo sa panahong masaya at maayos ang buhay nya. Binabase natin ang ating pananampalataya sa panahon na kelangan natin ng “blessing”, sa panahong kelangan natin ng Diyos na mag liligtas sa atin mula sa ating problema. Ngunit hindi eto ang tunay na ibig sabihin ng pagiging Kristyano. Ang pagiging Kristyano ay pag sunod sa yapak ng ating panginoong Hesus. Hindi ba’t noong panahon na naging tao ang ating panginoon sya din ay nahirapan. Maski bago sya pinako sa krus, ang ating panginoon ay nakaranas na ng iba’t ibang klase ng pag hihirap. Ngunit katulad ng kanyang pag tatagumpay noong sinusubok sya ng demonyo ay ang mga bagay na ito ay kanya na ding pinag tagumpayan. Ipinakita ng panginoon na sa ating buhay ay daraan talaga ang panahon ng pag hihirap ngunit sa panahong ito mas makikita ang tunay nating pagiging Kristyano. Kapatid kung may problema ka man ay mag pakatatag ka at kung ikaw ay makalampas sa iyong problema siguraduhin mo na mas hihigitan mo pa ang pag sigaw at pag pupuri sa Diyos. Lagi nating tatandaan na ang ating pananampalataya ay hindi nakabase sa pag papala ngunit eto ay nakabase sa kung paano natin susundan ang yapak ng ating Diyos.