Martes, Hunyo 17, 2014

One Way Generation

ONE WAY GENERATION: https://www.facebook.com/photo.php?v=886990941317759&set=vb.100000205842601&type=2&theater


".. One way Jesus, You're the only one that I could live for."  Eto ay mga kataga na galing sa kanta ng Hillsong United na One way. Noong nakaraang Biyernes, Hunyo 15, 2014 ay ginanap sa Araneta Coliseum ang pagtugtug ng Hillsong United. Habang sumasabay sa kanilang mga kanta ay bumabalik sa'kin ang ala-ala ng pagiging youth ko noon sa aming simbahan. Mga panahon na ang pag-tugtug sa church ang priority ko sa buhay. Pero bago ko balikan ang ala-ala ng kahapon akin munang ibabahagi sainyo kung bakit One Way Generation ang titulo ng aking blog post.

One Way Generation ang tawag ko sa kapwa ko young adult Christians at maging sa ibang youth ngayon, dahil ang kantang One way ay ang matatawag na anthem ng aking henerasyon, eto din ang kantang nag pakilala sa tipo ng pag wo-worship ng Hillsong United. Noong bata pa ako, ang madalas na tug-tugin sa aming simbahan ay mga kanta nila Don Moen, Darlene Zschech, at iba pang christian artist na medyo malayo sa tugtugan ng hillsong united. Ngunit nung nakilala ang kantang One Way, nag simula ang pag babago sa landscape ng praise and worship. Naaalala ko noon na maging ang mga hindi kristyano kong kaybigan ay alam ang kantang One Way. Nagkaroon ang aking henerasyon ng kantang makabago na nag papahayag ng salita ng Diyos. Kantang mapapaindak ka katulad ng mga secular music ngunit ang mensahe nito ay pag-pupuri pa din sa ating Diyos. Ang ginamit na chords sa One way ay power chords, eto ay mga chords na kadalasan ding ginagamit sa rock music. Nakakatawang isipin na ang rock music na kadalasang sinasabing musika ng demonyo, ay nagawa ng Hillsong United na gamitin upang ibahagi ang salita ng Diyos. Dahil sa kantang ito, nag simula din mag bago ang landscape ng praise and worship ng mga kristyano sa buong mundo. Madami ang nag hangad na mag gitara, madami na din ang mga guitarist na gumagamit ng distortion, overdrive, delay, at iba pang guitar effects. Hanggang ngayon patuloy pa din ginamit ang Hillsong United upang ibahagi ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng musika.

Ang bagay na nag lagay sa aking isipan ng katagang One Way Generation ay noong patapos na ang pagtugtug ng Hillsong United, ngunit pilit pa din sumisigaw ang mga tao ng isa pang kanta. AT ANG KANTANG SINISIGAW NG KARAMIHAN AY WALANG IBA KUNDI ONE WAY. Sabi nga ni Joel Houston hindi nya akalain na kakatahin pa nila ang kantang ito dahil halos 10 taon na din ang lumipas mula ng unang kinanta ang One way. Sampung taon man mula nung unang tinugtugtug ang One Way ay kabisado pa din ng bawat isang na nasa Araneta ang bawat salita sa kantang ito, at dun ko nasabi na kami nga ang One Way Generation. Sana lang ay magawa namin ang sinasabi na "one way Jesus, you're the only one that I could live for."

ONE WAY GENERATION: https://www.facebook.com/photo.php?v=886990941317759&set=vb.100000205842601&type=2&theater

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento